Umaabot sa 43 katao ang patay sa Iran matapos umunom ng industrial alcohol dahil sa akalang pangontra ito sa coronavirus diseases.
Sa ulat ng state run news na Islamic Republic Agency ang pag-inom daw ng industrial alcohol o gawa sa methanol na mas nakakalason pa sa ethanol ay ininom daw ng mga biktima dahil sa paniwalang panalaban ito sa infection.
Liban sa mga namatay mahigit din sa 200 katao ang naospital sa southwestern province ng Khuzestan sa Iran dahil pa rin sa alcohol poisoning.
Sa ngayon nasa mahigit 8,000 na ang nagpositibo sa COVID-19 sa Iran kung saan nasa 291 naman ang namatay.
Nitong nakalipas na araw nasa mahigit 70,000 na mga inmates ang pansamantala munang pinalaya sa mga bilangguan dahil marami sa mga ito ang nahawa na rin sa virus.