-- Advertisements --

Nasa 48 pulis na umano ang napatay sa kampanya ng PNP laban sa iligal na droga, habang higit 100 ang nasugatan.

Ayon kay PNP chief Oscar Albayalde, ang nasabing bilang ng PNP fatalities and casualties ay simula nang ilunsad ng Duterte administration ang war on drugs campaign.

Aniya, ang pagkamatay ng ilang police personnel habang nasa linya ng kanilang trabaho ay indikasyon na talagang nanlalaban umano ang mga drug suspek.

Patunay din umano ito na hindi gawa-gawa lamang ng PNP ang kanilang mga datos.

Paliwanag ni Albayalde, isa si S/Insp. Michael Angelo Tubaña ng Mallig, Isabela sa 48 na pulis na nasawi sa anti-illegal drug operations ng PNP.

Personal na nagtungo sa Isabela si PNP chief para ipaabot ang pakikiramay sa pamilya nasawing police officer na ginawaran nito ng Medalya ng Kadakilaan.

Hinarap at kinausap ni Albayalde ang isa sa mga naarestong suspek na nagpositibo sa paraffin test at iligal na droga.

Samantala, nakasentro sa human rights ang bubuuing guidelines ng PNP na siyang magiging basehan at guide ng mga pulis sa kanilang Anti-Tambay operations.

Sinabi ni Albayalde, inatasan na niya ang Directorate for Operations para balangkasin ang nasabing guidelines.

Nais kasi ni Albayalde na hindi malabag ang karapatang pantao ng mga inaarestong indibidwal kaya mas mabuting my sinusundang guidelines ang mga pulis