-- Advertisements --
Umaabot na sa 468 ang kabuuang bilang ng aftershocks matapos ang 6.8 magnitude na lindol sa Surigao del Sur.
Ayon sa Phivolcs, 111 sa mga ito ang plotted o na-detect ng dalawa o higit pang monitoring device ng ahensya.
Ilan sa mga ito ay naramdaman ng mga tao, habang ang iba ay hindi na gaanong napansin.
Pinaka-malakas na aftershock ay ang 6.2 magnitude na naranasan nitong Sabado ng tanghali.
Ang mga karagdagang pagyanig ay nasa magnitude range na 1.5 hanggang 6.2.
Karamihan sa mga lindol ay na-detect sa pamamagitan ng Bislig Seismic Station sa Caraga Region.
Wala namang inaasahang tsunami kahit offshore ang epicenter ng mga pagyanig.