-- Advertisements --

Inaprubahan ng US Senate ang halos $500 billion na coronavirus aid package para sa mga small businesses kabilang na ang mga karagdagang tulong sa pagamutan at virus testing.

Sinabi ni Senate majority leader Mitch McConnell, na isang malaking tulong ang nasabing halaga para sa mga naapektuhan ng ipinatupad na lockdown.

Ang nasabing pag-apruba ay ginawa matapos ang pagkakasundo ng mga opisyal dahil na rin sa kahilingan ng mga maliliit na negosyante.

Mayroong $300 billion ang mapupunta sa small-business payroll loan program habang $75 billion ang mapupunta sa hospitals at $25 billion naman ang mapupunta sa pagpapalakas ng coronavirus testing.