-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Halos 500 hog raisers na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) ang nabigyan ng tulong mula sa mahigit P6 million na pondo.

Umaabot sa 3,000 baboy ang isinailalim sa culling sa Nueva Vizcaya noong Oktubre hanggang Disyembre 2020.

Umaasa si Gov. Carlos Padilla na hindi na muling nakapagtala ang lalawigan ng mga kaso ng ASF.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Governor Padilla ng Nueva Vizcaya, batay sa Provincial Veterinary Office, umabot sa p6.7 Million pesos ang tulong pananalapi na naipamahagi sa 487 na hog raisers na naapektuhan ng ASF mula noong March 6, 2020.

Ang bawat regular size ng baboy na isinailalim sa culling ay binayaran ng P2,400 habang ang piglet ay P1,000 ang natanggap ng mga hog raiser.

Naitala ang huling kaso ng ASF sa lalawigan noong buwan ng Marso 2021 at wala nang naitala ngunit magpapatuloy ang pamamahagi ng tulong sa iba pang hog raisers na naapektuhan ng ASF.

Hinihintay nila ang dagdag na pondo mula sa DA maliban sa mga ibinibigay na tulong ng mga LGU.

Kaugnay sa suplay ng mga baboy na maliit pa rin ang suply ng baboy sa Nueva Vizcaya kaya hindi pa bumababa ang presyo ng karne ng baboy na P300 kada kilo.