-- Advertisements --
LSI 1

Nakatakda ngayong araw June 22,2020, bibiyahe ang barko ng Philippine Navy ang landing dock BRP Davao Del Sur (LD602) para ihatid ang nasa 450 na mga locally stranded individuals (LSI’s) patungong Iloilo at Cebu.


Ang BRP Davao del Sur ay kararating lamang ng bansa matapos ang limang buwang misyon sa Middle East.

Ayon kay Phil. Navy Spokesperson LCmdr. Maria Kristina Roxas, bahagi ng kanilang humanitarian mission ang pag-accomodate sa barko sa mga na stranded na kababayan natin.

Ang halos 500 locally stranded individuals ay mula sa Villamor Golf Club sa Pasay City na umaasang makasakay ng eroplano pabalik sa kanilang mga probinsiya.

LSI7

Sinundo ang mga ito ng anim na military trucks at dinala sa Pier 13,South Harbor sa Manila.

Sinabi ni Roxas, isinailalim sa strict medical screening and COVID-19 rapid testing sa Pasay City sa pakikipag ugnayan sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases at Armed Forces of the Philippines Health Service Command kasama ang Chief Surgeon Navy personnel ang mga LSI.

LSi6 1

Bago pa sumakay ng barko ang mga LSI kinuhanan sila ng body temperature sa checking site habang ini inspeksyun ang kanilang mga bitbit na bagahe.

Pina-alalahanan naman ni LD 602 commanding officer, Capt Homer Gonzalez ang mga pasahero na sumunod sa mga ipinatutupad na dos and donts ng barko.

Aniya, nasa 30 oras ang biyahe ng barko at kanilang sisiguraduhin na magiging safe and convinient ang biyahe para sa mgq LSI.

Sa kabilang dako, tiniyak ni PN Flag Officer In Command, Vice Adm. Giovanni Carlo Bacordo na maglalaan pa sila ng mga barko at navy personnel para maibsan ang hirap na nararanasan ng mga kababayan nating LSI.


Bitbit din sa biyahe ng LD602 ang nasa 2,508 boxes of personal protective equipment (PPEs) and medical supplies intended for the frontliners in the Visayas region.