-- Advertisements --
Halos nasa 2,000 mga indibidwal ang nagsilikas matapos sumiklab ang panibagong sagupaan sa pagitan ng militar at mga teroristang Maute kaninang madaling araw sa Lanao de Sur.
Batay sa report mula sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Offices (MDRRMO) na sa bayan ng Piagapo nasa 416 pamilya o nasa 1,828 katao ang lumikas habang sa bayan ng Wao ay nasa 57 pamilya o nasa 200 indibidwal ang nagsilikas dahil sa takot na maipit sa labanan.
Unang sumiklab ang labanan noong Biyernes April 21 at sinundan ito kaninang madaling araw bandang alas-5:45 ng umaga at hanggang sa ngayon nagpapatuloy ang labanan.
Kaagad namang namahagi ng relief goods ang pamahalaang local ng Lanao del Sur sa mga sibilyan na nagsilikas.