Nasa halos 5,000 doses ng COVID-19 vaccines ang nasayang umano dahil sa mishandling.
Subalit paglilinaw ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, mababa ang bilang ng mga COVID vaccines ang nasayang kumpara sa bilang ng mga naipamahaging bakuna sa buong bansa.
Iniulat ni Cabotaje sa House briefing sa proposed 2022 budget ng DOH na mula buwan ng Marso hanggang August 20 nasa 4,528 doses ng COVID-19 vaccines lamang ang hindi na nagamit dahil sa ilang nasunugan o isyu sa temperatura.
Pero paliwang ni Cabotaje, sa kabuuan naman ay napapangasiwaan ng maayos ang mga cold chain facilities para sa mga bakuna.
Sa ngayon, base sa datos mula sa pamahalaan nasa mahigit 33 million COVID-19 vaccine doses na ang na-administer hanggang August 29 kung saan mamahigit 13.7 million indibidwal na ang fully vaccinated kontra COVID-19 sa buong bansa.