-- Advertisements --

Aabot na ng 50,000 Pilipino na may edad 18 pababa ang namamasukan bilang domestic workers o kasambahay, base sa pinaka-huling survey ng National Wages and Productivity Commission (NWPC).

Sa isang virtual forum, inilahad ni NWPC deputy executive director Pat Hornilla na kanilang nabatid na libo-libong kabataan ang nagtatrabaho bilang kasambahay sa ibang bansa. 40,000 sa mga ito ay may edad 15 hanggang 18-taong gulang.

Inilabas lamang noong nakaraang buwan ang survey ng NWPC na isinagawa noong Oktubre 2019.

Samantala, nagpaalala naman ang Bureau of Workers with Special Concerns (BSWC) sa publiko lalong lalo na sa mga employers na maaari silang parusahan kung sakali na kukuha sila ng mga empleyado na menor de edad.

Ayon kay BWSC director Karen Trayvilla, isa itong uri ng child labor at maaaring parusahan ang sinomang lalabag dito, alinsunod na rin sa batas.

Ang sinomang mapapatunayang lalabag ay pagmumultahin ng hanggang P40,000, at maaaring makulong dahil sa paglabag sa Republic Act 9231.

Pinapayagan lamang na magtrabaho ng hanggang walong oras ang mga kabataan na may edad 15 hanggang 17.