Nakaambang matanggal ang halos 500,000 double at multiple voter registrants mula sa sistema ng Commission on Elections (Comelec).
Ito ay matapos makakuha ang mga ito ng ‘hits’ mula sa Automated Fingerprint Identification System (AFIS) ng poll body.
Ayon kay Comelec chairman George Erwin Garcia, nairehistro ang double at multiple entries mula Hulyo 15 hanggang Setyembre 30 na huling araw ng voter registration para sa 2025 midterm elections.
Kaugnay nito, magsasagawa ang election registration board ng special meeting ngayong buwan bago isapinal ang listahan ng mga botante ngayon ding Nobiyembre.
Nagbabala din si Garcia na ang pagpaparehistro ng maraming beses ay isang election offense na may katumbas na 1 hanggang 6 na taong pagkakakulong para sa double registrant.