-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nakatakdang ipamigay ng Task Force Yolanda ang halos 50,000 mga pabahay sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Western Visayas na nanalasa noong 2013.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Cabinet Secretary Karlo Alexei B. Nograles, chairman ng Task Force Yolanda, sinabi nito na umaabot sa 46,968 housing units ang ipamimigay sa mga biktima ng bagyo, pitong taon matapos manalasa si Yolanda.

Ayon kay Nograles, umaabot na sa 688,804 na nga mga housing units ang naipamigay na sa mga benefeciaries.

Samantala, naglaan rin ang gobyerno ng P7.4 billion na pondo para sa dagdag na 32,294 na mga housing units.