Lalo pang lumobo ang bilang ng mga lugar na nahaharap sa banta ng storm surge o daluyong dahil sa napipintong pananalasa ng Super Typhoon Pepito.
Sa updated report na inilabas ng weather bureau ng Department of Science and Technology ngayong araw (Nov. 16), kabuuang 4,871 barangay sa anim na rehiyon ang nahaharap sa banta ng daluyong.
Ang mga naturang rehiyon ay ang Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, at Eastern Visayas.
Sa Cagayan Valley, itinaas ang storm surge warning sa 21 brgy. sa Isabela.
Sa Central Luzon, nakataas ito sa 83 brgy. sa probinsya ng Aurora.
Sa Region 4-A: binubuo ito ng 279 brgy. sa Batangas, 2 brgy. sa Cavite, at 707 sa Quezon province.
Sa Mimaropa Region, nahaharap sa storm surge ang 110 brgy. mula Marinduque at 25 brgy. sa Romblon.
Bicol Region: Albay (240), Camarines Norte (177), Camarines Sur (520), Catanduanes (237), Masbate (380), at Sorsogon (354).
Eastern Visayas: Biliran (72), Eastern Samar (506), Leyte (124), Northern Samar (402), Samar (632).
Muli ay ibinabala ng DOST ang mula dalawang metro hanggang tatlong metro na taas ng daluyong sa mga naturang lugar. Pinapaiwas pa rin ang publiko sa mga dalampasigan dahil sa panganib na dulot ng bagyo.