-- Advertisements --

Nasa libu-libong katao ang inilikas na habang nasa daan-daang katao naman ang stranded ngayon sa ilang mga pantalan sa bansa dahil sa Tropical Storm Paeng.

Ayon sa latest situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa kabuuang 4,975 katao na ang isinailalim sa pre-emptive evacuation sa buong bansa.

Nasa kabuuang 1,322 pamilya naman o mahigit 5,000 indibidwal ang apektado ng Tropical storm Paeng.

Una ng iniulat ng Philippine Coast Guard na nasa kabuuang 989 pasahero, driver at cargo helpers ang stranded ngayon sa mga pantalan sa Bicol at Eastern Visayas.

Sa nasabing bilang nasa 762 katao ang stranded sa Bicol at 227 iba pa sa Eastern Visayas.

Na-stranded din ang nasa halos 500 rolling cargoes at 11 vessels sa may Bicol at Eastern Visayas.