-- Advertisements --

BAGUIO CITY– Aabot sa 5,553 na guro ang magsisilbing miyembro ng electoral board para sa nalalapit na eleksyon sa rehiyon Cordillera.

Ayon kay Department of Education Under Secretary, Atty. Alain del Pascua, maikakalat o mai-deploy ang mga guro sa ibat ibang paaralan sa rehiyon.

Sinabi niya na aabot sa tatlo na guro ang mai-dedeploy sa bawat paaralan at responsibilidad nila na magbigay ng tulong o assistance sa mga botante.

Dagdag niya na hindi kailangan na maisailalim sa mahigpit na pagsasanay ang mga magsisilbing Electoral Board lalung lalo na at lagi nilang ginagawa ito kada eleksyon.

Aniya, maipapatupad ang testing at sealing sa mga vote counting machines (VCM) sa Sabado.