Iniulat ng Bureau of Local Employment (BLE) ang pangangailangan ng hanggang 5,000 production worker sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Batay sa huling datus ng BLE, ang production worker ay ang nangungunang job vacancy sa bansa mula noong kalagitnaan ng Hulyo 2024.
Kabuuang 4,969 production works positions ang pangangailangan ng iba’t-ibang mga kompanya para rito.
Samantala, sumunod naman sa talaan ang mga call center agents na may kabuuang 3,909 vacancies, 3,255 vacancies sa production machine operators, at 2,363 vacancies para sa mga production machine operator.
Panglima dito ay ang staff nurse na may kabuuang 2,055 vacancies.
Ang naturang datus, ayon sa BLE ay batay na rin sa report ng mga Public Employment Service Office (PESO) Employment Information System (PEIS) sa buong bansa.
Samantala, makikita rin ang mga naturang vacancies sa PhilJobNet, isang job matching portal na pinapalakad ng gobiyerno.