Nasa halos 6 mula sa 10 pamilyang Pilipino ang iniuri ang kanilang sariling mahirap noong Hunyo ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey.
Ito ay katumbas ng 58% na mas mataas ng 12 points mula sa naitalang 46% noong March 2024 at mas mataas din simula noong June 2008 na nasa 59%.
Ang tinatayang bilang na iniuri ang kanilang sarili na mahirap ay 16 million noong June 2024 at 12.9 million noong March 2024.
Naitala ang pinakamataas na bilang ng self-rated poverty sa Mindanao na nasa 71%, sinundan ng Visayas na nasa 67%, Balance Luzon na nasa 52% at Metro Manila na nasa 39%.
Base sa SWS, inihayag ng self-rated poor families na kailangan nila ng buwanang budget na P15,000 para hindi ituring ang kanilang sarili na mahirap.
Isinagawa ang panibagong survey mula June 23 hanggang July 1 sa pamamagitan ng face to face interviews sa 1,500 adult Filipinos.