-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Naitala ngayong araw ang limampu’t pitong panibagong kaso ng COVID-19 sa Isabela habang limampu’t siyam naman ang gumaling.

Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, 17 sa mga bagong kaso ang mula sa Cordon, 10 sa Roxas, 9 sa Gamu, tig-aapat sa Angadanan at Cabagan, tig-dadalawa sa Burgos, lunsod ng Cauayan, Delfin Albano at Mallig habang tig-iisa sa Echague, Quezon, San Mariano, Tumauini at lunsod ng Santiago.

Labindalawa ang locally stranded individuals, 128 ang Health Workers, 26 ang pulis at 913 ang mula sa local transmission.

Sa ngayon ay umabot na sa 7,480 ang tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ng Isabela, 6,258 ang gumaling, 1,076 ang aktibong kaso at 143 ang nasawi.

Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi kinakailangan para makaiwas sa virus.