CAUAYAN- Handa na ang mga food and non-food items na ipapamahagi ng DSWd region 2 sa mga maapektuhan ng bagyong betty.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Lucy alan ng DSWD region 2 sinabi niya na nakahanda na ang stock pile ng family fooad packs fooad na aabot sa 42,474 and non food items na 12,528.
May mga preposition booths na rin ang DSWD region 2 sa lahat ng mga Local Government Units o LGU habang ang mga stockpile ay nanatili parin sa kanilang mga ware house sa Tuguegarao, Lal-lo, Abulug, Santiago, at Isabela compound.
Anumang oras na dagdagan ang preposition booths ay handa na rin ang DSWD region 2.
Sa ngayon ay wala pang naitatalang bilang ng evacuees sa mga evacuation centers gayunman handa ang mga LGU na magkaroon ng pre-emptive evacuation.