BAGUIO CITY–Naitala ang 57 bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon Cordillera nitong Biyernes.
Base sa pinakahuling tala ng Department of Health-Cordillera, pinakamataas na kasong naitala ay sa Baguio City kung saan umabot ito sa 30 kaso kasunod nito ang ptobinsiya ng Benguet na may 15 kaso; Kalinga na pito; Apayao at Mt. Province na tig-dalawa at Abra.
Napag-alaman na ang mga pasyente ng Kalinga ay residente ng Tallang, Baggao, Cagayan; Tuao, Cagayan; Lubuagan; Pasil; Tanudan; Tabuk City; Bulanao Centro t Banaue, Ifugao.
Samantala, naitala rin ang walong recoveries mula sa naturnag sakit kung saan a lima ang nakarekober sa Benguet at tatlo sa lungsod ng Baguio.
Maliban dito, temporaryong ipinasara ang Operating Room at Delivery Room ng Abra Provincial Hospital para sa disinfection.
Sa ngayon ay pinakamataas pa rin sa kaso ng COVID-19 ang Baguio City na may 221 kaso, kasunod parin dito ang probinsiya ng Benguet na may 124 na kaso; Abra na 59; Kalinga na 45; Apayao na 25; Ifugao na 18 at Mt. Province na 11.
Kabuuan namang 308 ang bilang ng mga recoveries ng naturang sakit habang walo na ang nga nasawi dahil sa COVID-19.