-- Advertisements --

ILOILO CITY – Naka-lockdown pa rin ngayon ang mga commercial establishment sa Barangay Bangga Bante, Zarraga, Iloilo matapos nagkahawaan ng COVID-19 ang mga vendors.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Ilolo kay Zarraga Vice Mayor Jofel Marañon Soldevilla, sinabi nito na unang nagpositibo sa COVID-19 ang isang vendor, at ng nagsagawa ng contact tracing, nagpositibo rin sa virus ang halos 57 iba pang mga vendors.

Ayon sa bise alkalde, wala pang katiyakan kung hanggang kailan magtatagal ang lockdown.

Napag-alaman na umalma ang ilang mga vendors dahil malaki anya ang nawawala sa kanilang kita dahil sa lockdown.