-- Advertisements --

Umabot na sa animnapung Persons Deprived of Liberty o PDL ang tinamaan ng tuberculosis sa Manila City Jail.

Ayon kay Jail Officer 1 Elmer Jacobe spokesperson ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP Manila, sa ngayon, naka-isolate at sumasailalim sa gamotan ang mga may sakit na bilanggo.

Pinagtutuunan din ang lagay ng iba pang priso para maiwasan ang hawaan at pagtaas ng kaso ng TB sa kulungan.