Nananatiling stranded ang halos 600 katao sa mga pantalan sa Bicol region, Central Luzon at Southern Tagalog dahil sa epekto ng bagyong Pepito.
Base sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) mula kaninang 4 a.m. hanggang 8 a.m., naitala ang mga stranded na pasahero sa kabuuang 39 na pantalan gayundin ang may 113 rolling cargoes, 20 vessels at 83 motorbancas habang pansamantalang nakikisilong ang 169 vessels at 287 motorbancas.
Sa Bicol region, 20 pasahero, truck drivers at cargo helpers ang stranded kabilang ang nasa 10 rolling cargoes sa Virac port.
Sa NCR – Central Luzon naman, nasa 350 pasahero pa kasama ang mga cargo at truck personnel ang stranded habang may 29 vessels at 138 motorbancas ang nakikisilong sa mga pantalan sa PBR Limay, Mariveles Anchorage Area, Obando Community Fish landing Ports, Navotas Fish Port, Pier 18 Manila Harbor Centre Vitas Prudencial State at North Port Terminal.
Sa Southern Tagalog naman, may 223 pasahero kasama ang cargo at truck personnel ang stranded, 103 rolling cargoes, 2 vessels at 3 motorbancas. Marami pa rin ang mga pansamantalang nakikisilong na nasa 140 vessels at 149 motorbancas sa 28 mga pantalan.