Umabot na sa libu-libo ang bilang ng mga naaaksidente sa motorsiklo ang naitala sa bansa noong taong 2021.
Sa isang panayam ay sinabi ni PNP-HPG Police Lt. Col. Christian Dela Cruz na isa ang motorsiklo sa madalas na kabilang na napapaulat na naa-aksidente sa lansangan.
Batay kasi aniya sa datos ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG), pumalo na sa halos 6,000 ang kabuuang bilang ng mga naitalang motorcycle accident sa Pilipinas.
Pumapangalawa aniya ito sa kanilang listahan ng mga naaaksidente sa bansa.
Paliwanag ng opisyal, pangunahing dahilan daw ng mga naturang aksidente ay “human error”, ibig sabihin ay hindi sumusunod sa batas ang mga motoristang nasasangkot dito.
Samantala, muli namang ipinaalala ni Dela Cruz ang libreng programang inaalok ng PNP-HPG para sa mga motorcycle riders hinggil sa safe and displined driving sa mga kalsada.