-- Advertisements --
Nakapagtala ang Bureau of Immigration ng halos 60,000 arrivals kada araw sa buong Pilipinas ngayong buwan ng Disyembre.
Ayon sa ahensiya, tumaas ang bilang ng arrivals mula sa 50,000 sa unang linggo ng Disyembre sa halos 60,000 ngayong linggo ng Kapaskuhan.
Iniulat naman ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na mahigit 85% ng mga pasahero ay dumating sa bansa sa pamamagitan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Samantala, nasa 31,408 naman ang naitalang umalis sa bansa noong Disyembre 23 na tumataas mula sa 25,759 na naitala sa unang araw ng Disyembre.
Nagpaalala naman si Tansingco sa dumarating na mga Pilipino na gamitin ang e-gates at magrehistro sa e-travel ng 72 oras bago ang arrival o departure sa bansa.