Posibleng maapektuhan ang kabuuang 669,923 ektarya ng mga palayan sa pananalasa ng bagyong Gener, batay sa datos ng Philippine Rice Informationa System(PRiSM).
Mula sa halos 670,000 ektarya ng palayan, kabuuang 367,583 ektarya ay kasalukuyang nasa reproductive phase o kasalukuyan pang lumalaki.
Nasa kabuuang 302,341 ektarya naman ang nasa ripening phase na o malapit nang maani.
Ang mga ito ay mula sa Central Luzon, Cagayan Valley, Ilocos Region, atbpa.
Samantala, iniulat din ng PRiSM na bago ang pananalasa ng bagyong Gener ay nakapag-ani na ang mga magsasaka ng kabuuang 348,373 ektarya ng mga palayan.
Una nang iniulat ng Department of Agriculture ang hanggang sa P2.26 billion na epekto ng bagyong Enteng sa sektor ng pagsasaka.
Mahigit P1.11 billion dito ang natukoy na epekto ng bagyo sa mga palayan. Ito ay katumbas ng kabuuang 34,935 ektarya o 48,646 metriko tonelada na produksyon.