-- Advertisements --
Umaabot sa halos 69 million ang mga Pilipinong botante na nakapag-parehistro para sa 2025 midterm elections.
Sa datos na inilabas ng Commission on Elections (Comelec), ang Region IV (Calabarzon) ang nagtala ng pinakamaraming rehistradong botante para sa darating na halalan, na may kabuuang 9,764,170 na botante. Sinundan ito ng Region III (Central Luzon) na may 7,712,535 na botante.
Pangatlo ang National Capital Region na may 7,562,858 rehistradong botante.
Iniulat din ng poll body ang 532,837 applicant na na-detect sa pamamagitan ng Automated Fingerprint Identification System (AFIS) noong Setyembre 30, 2024.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, ang mga ito ay subject sa pagtanggal ng double or multiple registrants.