-- Advertisements --

NAGA CITY – Agaw atensyon ngayon sa lungsod ng Naga ang mga puno ng saging na halos nakasayad na sa lupa ang bunga.

Tinatayang aabot sa mahigit pitong talampakan ang haba ng isang buwig nito.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga sa may-ari nito na si Lito Agpay, ibinigay lamang ito sa kanya ng kanyang kaibigan ng minsang nagtrabaho siya sa ibang bansa at pag-uwi sa Pilipinas, saka niya itinanim at inalagaan.

Halos araw-araw namang maraming tao na mula pa sa iba’t ibang lugar ang bumibisita sa bakuran nila Agpay para kuhanan ng larawan ang naturang puno.

Samantala, plano naman ni Agpay, na magtanim ng naturang uri ng saging sa mga gilid ng kalsada bilang dagdag na atraksyon sa kanilang lugar.