-- Advertisements --
Iniulat ng Department of Health (Do) na nakapagtala sila ngayong araw ng 6,831 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Pumalo naman sa 7,981 ang panibagong gumaling, habang 183 ang nasawi pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.6% (54,326) ang aktibong kaso, 93.7% (1,103,945) na ang gumaling at 1.69% (19,946) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong May 20, 2021 ngunit mayroong tatlo na hindi nakapagsumite ng data sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa tala sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng tatlong pasilidad na ito ay humigit kumulang 0.7% sa lahat ng samples na naitest at 0.9% sa lahat ng positibong mga indibidwal.