-- Advertisements --
Halos nasa 7 milyon bata sa bansa ang fully vaccinated laban sa COVID-19.
Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez, na mayroong 6.88 milyon o katumbas ng 54 percent ng mga minor edad 12 hanggang 17 ang nakatanggap ng kanilang primary shots ng COVID-19 vaccines.
Mayroon namang 8.49 milyo o 67% ang nakapagturok na ng unang dose ng bakuna.
Inasahan na sa susunod na buwan ay darating ang mga bakuna ng Pfizer-BioNTech na inilaan para sa mga batang edad 5-11.
Kapag naaprubahan na rin ng Food and Drugs Administration (FDA) ang Sinovac na para sa mga batang edad 3-17 ay agad na bibili ang gobyerno.
Bukod pa dito sinabi ni Galvez na mayroong halos 5 milyong indibidwal ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.