-- Advertisements --
LAOAG CITY – Umaabot sa halos 70 pamilya o 203 evacuees ang isinailalim sa forced evacuation sa Barangay Pasaleng sa bayan ng Pagudpud dito sa lalawigan ng Ilocos Norte.
Ito ang kinumpirma ni Police Capt. Edwardo Santos, ang chief of police sa bayan ng Pagudpud.
Ani Santos, ang mga inilikas na residente ay mula sa Barangay Pancian at nanatili sila ngayon sa Pasaleng Elementary School.
Paliwanag niya na napakalakas ang hangin kaya malalaki ang mga alon sa dagat kaya isinagawa nila ang forced evacuation.
Nakahanda na silang lahat kung sakaling lumala ang sitwasyon at mas marami pang residente ang kinakailangang ilikas sa nasabing bayan.
Apela ni Santos sa mga residente na huwag ng matigas ang ulo at lumikas agad kung kinakailangan.