-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Aabot na sa 664 na daga ang nahuli ng mga vendors sa Baguio City Public Market mula nang nagsimula ang rat chatching challenge noong nakaraang linggo.

Ayon kay Fernando Ragma Jr., City Market Superintendent IV, patuloy na nakikibahagi sa kompetisyon ang maraming vendors.

daga 1
Rat container/ Bombo Baguio image

Sinabi niyang karamihan sa mga nahuhuling daga ay mula sa basement ng Rillera Building dahil sa mga kanal at drainage doon.

Inihayag niyang kadalasang gumagamit ang mga vendors ng mga mouse trap at wala pa namang natuklasang gumagamit ng lason.

Iginiit ni Ragma na kailangang magmula lamang sa merkado ang mga daga na maibabahagi sa kompetisyon at bawal ang mga galing sa mga residential areas.

Mananalo ng P20,000 ang vendor na makakahuli ng pinaka-maraming daga.

Ang rat chatching challenge ay inisiyatibo ng lokal na pamahalaan para maging mas malinis ang merkado publiko ng Baguio City.