-- Advertisements --

Aabot sa halos 75 milyong botanteng mamamayan na ng Amerika ang nakibahagi sa early voting bago pa man ang halalan bukas, Nobiyembre 5, oras sa Amerika.

Ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng Amerika na ganito kadami ang mga bumoto ng maaga.

Pagdating sa Filipino-American community, sinabi ni Amb. Romualdez na hati ang mga ito sa pagpili sa pagitan nina dating US Pres. Donald Trump at VP Kamala Harris.

Aniya, nakausap niya ang ilan sa mga Fil-Ams partikular na sa Cleveland, Ohio at karamihan sa kanila ay Democrats subalit may mga sumusuporta din kay Trump.

Marami din ang mga Democrats sa iba pang estado ng Amerika sa northeast gaya ng Virginia, New Jersey, at Massachusetts pero marami ding supporters ang dating US Pres.

Saad pa ni Amb. Romualdez na itinuturing na critical at mahigpit ang halalan ngayong taon sa Amerika.