-- Advertisements --

Aabot sa halos 8.5 million mananakay ang naserbisyuhan ng libreng sakay ng Metro Rail Transit Line 3 sa unang buwan ng program.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3 na nasa kabuuang 8,472,637 ridership mula Marso 28 hanggang Abril 30.

Nakitaan ng 27.8% na pagtaas ang average number ng mga pasaherong sumasakay sa MRT-3 tuwing weekdays matapos na ilunsad ang naturang programa.

Umaabot sa 241,800 ang weekly average ng mga pasahero mula Marso 1 hanggang 27 at tumaas ng 309,013 ang bilang ng mga pasahero mula Marso 28 hanggang Abril 30 ng kasalukuyang taon.

Naitala naman ang highest single-day ridership noong April 8 na nasa 335,993 passengers.

Maaalala na nagsimula ang programang libreng sakay noong Marso 28 na pinalawig pa hanggang sa Mayo 30 na makaktulong sa train line para maipagpatuloy ang kanilang testing sa kapasidad at performance ng kanilang rehabilitated subsystems sa pag-accommodate ng mahigit sa 350,000 pasahero kada araw.