Natatakot umano ang karamihan sa mga Pilipino na sila o sinuman sa kanilang mga kakilala ang maging biktima ng umano’y extra judicial killing (EJK).
Kasunod na rin ito ng naunang pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na mas magiging mas malupit umano ang kanyang administrasyon sa ipinapatupad na giyera kontra droga.
Batay sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa mula Disyembre 16 hanggang 19, 2018, umaabot umano sa 78 porsyento ng mga Pilipino ang nangangamba na maging biktima sila ng EJK.
Nasa 22 porsyento naman ang nagsabing hindi sila nag-aalala ukol dito.
Sinabi pa ng SWS, mas mataas umano ito ng limang porsyento kumpara sa 73 porsyentong naitala noong Hunyo 2017.
Nakasaad din sa resulta ng survey na 42 percent ang “very worriedâ€; at 36 percent ang “somewhat worried.â€
Mayroon naman siyam na porsyentong “not too worriedâ€; samantalang 13 percent ang “not worried at all.â€
Sa nabanggit ding survey, 50 porsyento ng mga Pilipino ang naniniwalang mga mahihirap lamang ang nabibiktima ng EJK.
Sa pinakahuling datos mula sa Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency, nasa 5,176 na umano ang nasawi sa war on drugs na sinimulang ipatupad noong Hulyo 1, 2016.