Sumampa na sa 79,062 ang bilang ng mga indibidwal na naapektuhan sa pananalasa ng Bagyong Jolina.
Ito’y batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa situationer report na inilabas ngayong umaga ng ahensiya, sinabi ng NDRRMC na galing ang mga apektadong inidbidwal sa Region 3, MIMAROPA, Region 5, Region 6 at Region 8.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, sa naturang bilang, 6,397 na inidbidwal ang nanatili pa rin sa mga evacuation centers habang 1, 470 naman ang nanunuluyan pansamantala sa kanilang mga kamag-anak.
Samantala, patuloy pa rin ang pagberipika ng NDRRMC sa mga casualty sa Bagyong Jolina.
Sa ulat ng NDRRMC, wala pang patay sa pananalasa ng Bagyong Jolina pero sa ulat ng PNP ay 1 na ang nasawi sa pagkalunod sa Marinduque.
Samantala, 14 na mangingisda ang napaulat na nawawala at hinahanap pa.
Nasa pito na lang ang nawawala sa Catbalogan, Samar matapos masagip ang lima nilang kasamahan.
Tatlo ang napaulat na nawawala sa Culuba, Biliran at apat naman sa Esperanza, Masbate.