-- Advertisements --

Nasa halos 80 katao na ang nasawi at marami pa ang pinaghahanap matapos ang paglubog ng sinakyan nilang bangka sa karagatan ng Greece.

Ang nasabing bangkang pangisda ay may lulan ng ilang daang refugees at migrants.

Gumamit na ang coastguards ng mga helicopters para mahanap ang mga nawawalang mga biktima.

Karamihan sa mga biktima ay walang suot na life jackets na sinabayan pa ng malakas na pag-alon sa nasabing lugar.