Ibinyahe ng Philippine Air Force (PAF) aircraft NC212 ang nasa 78 sealed laboratory specimen ng mga suspected COVID-19 patients mula sa iba’t ibang probinsiya sa bansa patungong Metro Manila para isailalim sa testing.
Ang mga nasabing laboratory samples ay mula sa mga lugar ng Tacloban, Cagayan De Oro, Mactan Cebu at Iloilo.
Inatasan kasi ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease ang Philippine Air Force na kunin ang specimens sa mga nasabing lalawigan.
Pagdating sa Metro Manila ng Air Force aircraft , agad ito dinala sa mga testing centers para matukoy kung positibo sa COVID -9 ang mga indibidwal na nakuhanan ng lab sample.
Sa kabilang dako, bukod sa pagkuha ng mga specimens, nagtungo rin ang Philippine Air Force sa Laguindingan Airport sa Cagayan De Oro kahapon para naman ihatid ang 11 kahon ng oersonal protective equipments na nakalaan sa mga taga-DOH Lanao area.
Ayon sa Philippine Air Force ang kanilang hakbang ay suporta sa gobyerno para laban kontra sa pagkalat ng COVID-19.