TACLOBAN CITY – Aabot sa 26 na mga bangkay ang narekober ng mga otoridad sa nagpapatuloy na retrieval operation sa Brgy. Pilar, Abuyog, Leyte kung saan nangyari ang malawakang landslides.
Ito ay maliban lamang sa mga landslides na nangyari sa Baybay City, na halos isang oras ang byahe mula sa Abuyog.
Sa ngayon base sa tala ng Leyte Police Provincial Office, ay aabot na sa 78 ang bilang ng mga casualties sa probinsya ng Leyte dahil sa bagyong Agaton.
Aabot sa 47 sa mga ito ang mula sa Baybay City, kung saan may anim pa ang nawawala, at 236 na sugatan samantala 31 naman ang nasawi sa Abuyog kasama na ang mga narekober na mga bangkay kahapon.
Sa ngayon ay patuloy ang rescue operations sa nasabing mga lugar habang una nang ipinahayag ni Baybay City Mayor Carlos Cari na retrieval operation na lamang ang ginagawa sa ilang mga barangay na apektado ng landslides kung saan ang buong Brgy. Kantagnos ay halos ma-wipe out o halos matabunan dahil sa pagguho ng lupa.
Sa ngayon ay aabot sa 150 nga mga residente ang missing at mahigit 250 naman ang inilikas na sa evacuation centers sa Abuyog kung saan ang ilan sa mga ito ini-rescue gamit ang ilang mga bangka.
Impassable rin ang access sa Brgy. Pilar at Lawa-an dahil sa mga debris at patuloy na pag ulan.
Mula sa town proper ay motorboats ang kailangang sakyan ng mga rescuers upang makapunta sa nasabing mga barangay.