-- Advertisements --
KINSHASA, Congo – Nasa 78 katao ang namatay matapos tumaob ang isang ferry sa Lake Kivu, sa silangang Democratic Republic of Congo, ilang daang metro na lamang sana mula sa destinasyon nito.
Ang barko ay naglalakbay mula sa bayan ng Minova sa South Kivu at lumubog habang papunta sa baybayin ng Goma.
Sa video, makikita na ang ferry ay tumagilid at pagkatapos ay lumubog.
Ayon kay Governor Jean Jacques Purisi, mayroong 278 pasahero sa barko nang mangyari ang trahedya.
Matapos masagip ang ilang pasaherong sugatan, dinala sila agad sa ospital.
Sinabi ng survivor na si Alfani Buroko Byamungu na kalmado ang dagat ngunit biglang may kung anong paggalaw sa ferry na siyang dahilan ng paglubog nito. (BBC)