-- Advertisements --
ILOILO CITY – Maari nang makabalik sa trabaho ang mga personnel ng La Paz Police Station sa Iloilo City matapos nagnegatibo sa RT-PCR test.
Napag-alaman na tatlong pulis at tatlong preso ang nagkahawaan ng COVID-19 sa nasabing police station.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Edfil Balibadlan, hepe ng La Paz Police Station,sinabi nito na labis ang kanilang pasasalamat matapos hindi sila nahawaan ng COVID-19.
Sa ngayon, tinatapos na lang ng mga personnel ang kanilang 14 day quarantine period.