-- Advertisements --
Nakatanggap ng Pilipinas ng nasa 793,900 doses ng COVID-19 vaccines ng AstraZeneca.
Ang nasabing mga bakuna ay donasyon ng Germany government.
Pasado alas-4 nitong hapon ng Martes, Nobyembre 9 ng lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang eroplanong lulan ng bakuna.
Ang nasabing bakuna ay donasyon sa pamamagitan ng COVAX Facility.
Umaabot na sa kabuuang 15.10 milyon doses ng AstraZeneca ang natanggap ng gobyerno kung saan 6.76 milyon doses ay mula sa World Health Organization (WHO) sa pamamagitan ng COVA Facility.