Dumating na sa bansa ang halos 800,000 doses na Pfizer COVID-19 vaccine na gagamitin para sa mga bata edad 5 hanggang 11.
Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang 780,000 doses na bakuna na binili ng gobyerno pasado alas-9 ng gabi ng Pebrero 4.
Pinangunahan ni vaccine czar Carlito Galvez ang pagsalubong ng nasabing mga bakuna.
Sinabi nito na dahil sa nasabing pagdating ng mga bakuna ay tiyak na ang pagtuloy ng bakunahan sa Pebrero 7 ng nabanggit na age group.
Hinikayat nito ang mga magulang na agad na iparehistro ang kanilang mga anak sa pagpapabakuna.
Magugunitang ipinagpaliban ng gobyerno ang nasabing pagbabakuna na sana ay nitong Pebrero 4 subalit dahil sa pagkaantala ng pagdating ng mga bakuna ay iniurong na lamang nila ito sa Pebrero 7.