GENERAL SANTOS CITY – Nasa halos 800 kilos ng ibat-ibang mga meat products ang nakumpiska sa Tinagacan ASF Prevention Checkpoint dito sa lungsod ng Heneral Santos.
Iniulat ni Dr. Emil Gargaran, head ng City Veterinary Office Gensan, naharang sa checkpoint ang aabot sa 40 kilos ng beef siomai, 80 kilos ng chicken siomai, 120 kilos ng chicken embutido, 20 kilos ng chicken chorizo, 20 kilos ng chicken siomai, 18 kilos ng chicken sulit Siomai, 12 kilos ng loaf, 18 kilos ng beef sulit siomai, 225 kilos ng pork embutido, 20 kilos ng pork siomai, 87 kilos ng pork chorizo at 12 kilos ng pork loaf na nagmula sa Padada, Davao del Sur.
Kabilang pa sa nakumpiska ang mga chicken at beef pork products.
Ayon kay Dr. Gargaran, mahigpit pa ring ipinagbabawal na makapasok sa Gensan ang mga pork products dahil sa banta ng ASF.
Nasa 24/7 ang pagbabantay na ginagawa ng mga City Vet personnel sa ASF Prevention Checkpoints na nasa entrance at exit points sa lungsod.