-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Nasa pangangalaga na ng Biodiversity Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang nasa 757 piraso ng tarantula na nasabat ng Bureau of customs (BOC) nitong Martes artes sa Central Mail Exchange Center Pasay City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay BMB-DENR Director Crisanta Marlene Rodriguez, kanyang inihayag na maaaring nabibilang sa walo hanggang 10 species ng tarantula ang mga nasabat ng BOC.
Ang mga gagamba o tarantula aniya na nasabat ng BOC ay mula sa Poland at nakatakda sanang ipadala sa isang Jessie Camaro na residente ng Caloocan city.
Maari aniyang ang mga tarantula ay gagamitin bilang libangan lamang subalit maaari rin nilang ibenta.