-- Advertisements --

Ginulat ang mga nag-oobserba nang maiulat ang record high na halos 8,000 mga bagong kaso sa bansang Russia sa loob lamang ng isang araw.

Sa ngayon meron ng kabuuang 114,431 na mga kaso ng COVID-19 ang kinapitan sa naturang bansa.

Kinumpirma rin ng kanilang coronavirus response headquarters na nasa 1,169 na ang death toll.

Sa kabila nito meron namang 13,220 na mga pasyente ang mga nakarekober.

Ang biggest single day high ay kasunod nang anunsiyo ni Russian Prime Minister Mikhail Mishustin na maging siyang ay nahawa rin sa coronavirus.