-- Advertisements --

Naglunsad ang Russia ng isa sa mga pinakamalaking drone attacks sa Ukraine.

Ayon sa Ukrainian military na hindi bababa sa 89 na drones ang kanilang pinabagsak sa bahagi ng Kyiv.

ito na rin ang pang-pitong beses na inatake ng Russia ang Kyiv sa buwan ng Hulyo.

Tumagal ng mahigit pitong oras ang pag-atake ng drones at ni isa mga drones ay hindi umabot sa target.

Napabagsak din ng Ukraine military ang X-59 guided missile ng Russia na tinarget ang Mykolaiv region.

Maguugunitang makailang beses ng nanawagan si Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa mga kaalyadong bansa na dapat bilisan ang pagbibigay nila ng military assets para tuluyang talunin ang Russia.