KALIBO, Aklan – Nagbabala ang Boracay Inter Agency Management and rehabilitation Group (BIAMRG) na marami pang pasaway na establishment ang ipapasara sa Boracay.
Ayon kay Natividad Bernandino, general manager ng BIAMRG, marami ang gumagamit ng mga Pilipino bilang dummy upang makapagtayo ng negosyo sa isla.
Ito ay kasunod ng pagpasara sa 11 establishment na umano’y pagmamay-ari ng mga negosyanteng Chinese at Koreans noong Mayo 22 dahil sa kabiguang makapag-renew ng kanilang mga permit.
Dagdag pa ni Bernandino na inihahanda na nila ang kaso laban sa mga illegal dummy violators.
Patuloy aniyaang pagdami ng mga dayuhang nagnenegosyo sa Boracay pagkatapos na muling buksan ito sa publiko noong Oktubre ng nakaraang taon dahil sa patuloy na pag-unlad ng industriya ng turismo.
Sinasabing 90 porsiyento ng mga dayuhang establishment sa Boracay ang gumagamit ng Pinoy dummy na ginagawa nilang manager na may sahod na P5,000 hanggang P20,000 kada buwan.