KORONADAL CITY – Nasa halos 90 mga pamilya ang pansamantaolang lumikas sa Barangay Gym ng New Iloilo, Tantangan ,South Cotabato dahil sa pagbaha dala ng magdamaga na buhos ng malakas na ulan.
Ito ang kinumpirma ni Benhur Peñol , Barangay Chairperson ng New Iloilo,Tantangan,South Cotabato sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Penol, lumikas ang nabanggit na mga pamilya sa kanilang barangay sa takot na tumaas pa ang lebel ng tubig sa nasabing lugar.
Agad naman na binigyan ng improvised tents ng Munincipal Disaster Risk and Management office ang mga bakwit upang may matulugan.
Mailban sa mga nagsilikas ay aabot naman sa 15 mga ektaryang taniman ng palay ang lubog din sa tubig baha.
Sa ngayon, unti-unti nang bumababa ang lebel ng tubig sa mga apektadong residente at dahan-dahan na ring nagsisibalikan sa kanilang mga tahanan ang mga nagsilikas na pamilya.
Matatandaan na parehong mga residente ang naging apektado ng baha noong nakaraang mga araw sa probinsiya.