-- Advertisements --

Aabot sa halos 90,000 indibidwal nitong lungsod ng Cebu ang nakatanggap na ng kanilang bakuna laban sa COVID-19.

Batay sa datos mula sa Cebu City Vaccination Operations Center (VOC),aabot sa 84,416 ang kabuuang dosis na naiturok na COVID-19 vaccines mula Marso 24, 2021 hanggang Hunyo 21, 2021.

Sa nasabing bilang,60,800 nito ang nakatanggap na ng kanilang first dose habang 25, 616 naman ang nakakumpleto na ng dalawang doses.

Patuloy naman ang pagbabakunang isinasagawa nitong lungsod na matatagpuan sa Robinsons Galleria, SM Seaside City Cebu, University of Cebu SHS Campus, J. Alcantara St., University of Cebu SHS Department, Banilad at NOAH Complex.