-- Advertisements --

Pumasa umano ang halos 99% ng mga estudyante, maliban sa mga nasa Bangsamoro at Ilocos region, sa unang quarter ng kasalukuyang school year.

“Even if this is a high percentage, we feel that the number of those who had failing grades is also significant — more than 100,000,” wika ni Education Undersecretary Diosdado San Antonio sa ginanap na pagdinig sa Senado tungkol sa panukalang face-to-face classes.

Lahad ni San Antonio, bigo raw silang makakuha ng report mula sa school division ng DepEd sa Bangsamoro at Ilocos regions.

Tila nasorpresa naman si Senate committee on Basic Education, Arts, and Culture chairman Sherwin Gatchalian na halos lahat ng mga mag-aaral ay pumasa lalo na’t nag-aaral ang mga ito sa loob lamang ng kanilang bahay.

Tanong nito kay San Antonio: “Does this mean they are learning and in fact absorbing all the lessons?”

“If we base the interpretation on the grades that were given by the teachers, the learners seem to be learning,” sagot naman ng opisyal.

Tugon ni Gatchalian: “You don’t sound convinced yourself.”

Itinanggi naman ito ni San Antonio at ipinaliwanag na ang mataas na porsyento ay posibleng dahil sa mga hakbang na ipinatupad kaugnay sa academic ease, tulad ng pagpayag sa mga estudyante na bigong makapagsumite ng kanilang academic requirements na gumawa na lamang ng make-up activities.

Ani San Antonio, ibinabatay ang grades sa performance task at written outputs.

Inungkat naman ni Sen. Nancy Binay ang mga ulat na may mga magulang na sila na ang sumasagot sa mga learning materials ng mga bata.

Sagot ni San Antonio, isa raw ang naturang uri ng pandaraya sa kanilang “apprehensions” bago ipatupad ang distance learning ngayong school year, ngunit aminado ito na wala na raw silang kontrol dito.

“We were very clear that this school year, since home-based siya, is the best time to teach honesty to children. This is something beyond the control of the Department of Education. If the parents want to develop cheats, hindi na po natin iyon maso-solusyunan,” anang education official.